Tuesday, January 6, 2009

Padre Mariano Gomez

Si Padre Mariano Gómez ay isinilang noong Agosto 2, 1799 sa distrito ng Santa Cruz sa Maynila. Ang kanyang magulang ay sina Alejandro Francisco Gomez at Martina Custodio na kapwa may dugong Pilipino at Instik.

Si Mariano Gomez ay nagtapos ng "Canon Law", at Teolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at naging pari sa Parokya ng Bacoor, Kabite noong Hunyo 2, 1824. Siya ay naging aktibo sa pagpapaunlad ng agrikultura at industriyang pantahanan sa bayang ito. Siya rin ang naging tagapaglutas ng mga sigalot at alitan ng mga pari kung kaya't siyay minahal at iginagalang ng lubos ng maraming tao. Nagpagtagumpayan din niya ang pakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga paring Pilipino laban sa mga prayleng Kastila.

Kaisa siya ng maraming tao sa mga ipinaglaban nilang karapatan. Dahil na rin sa kanyang pagtatanggol sa mga kababayan, pinaghinalaan siya na kasali sa rebulusyon na sumibol sa Cavite. Kasama sina Burgos at Zamora, si Gomez ay pinatay sa pamamagitan ng garote noong ika-17 ng Pebrero, 1872.

1 comment:

  1. King Casino Login | All your games online and - Community Khabar
    Login communitykhabar King Casino, Play, and Win! Login King Casino, Play. Login King Casino, https://jancasino.com/review/merit-casino/ Play. Login King Casino, Play. Login titanium earrings King bsjeon.net Casino, Play. Login King worrione.com Casino, Play. Login King Casino,

    ReplyDelete